Biyernes, Agosto 19, 2011

naghihintay




 
Jacob - Naghihintay


Sa Buhay hindi lahat ng gustuhin natin mapapasaatin kaagad agad. May mga bagay lang o pangyayari na kailangang tayong maghintay para makuha ito o para matupad. Parang nangyayari lang yan araw araw sa kalye pag naging kulay dilaw ang kulay ng traffic light lahat ng kotse humihinto kahit sobrang late na sila sa kanilang patutunguhan pero sa baiwat paghihintay pag umilaw na ang kulay berde makakausad din sila.. Naihalintulad ko ito sa pagiibigang sabihin na nating hanggang ngayun naghihintay pa rin ng senyales kung kailan sila magpapatuloy kung tutuloy ba sila o magiiba ng daan.. Hindi natin hawak ang kanilang kapalaran. pero hindi masamang mangarap sabi nga ng aking guro pag may pinangarap ka kahit sa tingin ng iba imposible man itong mangyari manalig at pagpatuloy mo lang yan.. dahil sabi nga ng katagang ito " dreams do come true"..KAYA TAYUNG MGA UMAASA NA SILA PARING CARMEON HANGGANG SA HULI MANGARAP LANG TAYU.. KAHIT MAY MGA SAGABAL MAN WAG TAYUNG MAWALAN NG PAGASA!!AJA!!!

alissa :)

Biyernes, Agosto 12, 2011

set you free



Mymp - Set You Free





Once na nating nakita ang mga may ari ng mga kamay na ito na magkahawak na walang iniisip kundi ang kapakanan ng isat isa. Sabi nga ng isang kasabihan " Nobody can change you except a pure heart". Patunay dito na noong sila pa nabawasan niya ang kanyang masamang bisyo dahil alam nyang may sasama ang loob at nirerespeto nya ito dahil mahal niya ang taong ito. 

Sabihin na nating akala natin nung una sila na para sa isat isa dahil natutugunan nila ang kalakasan at kahinaan ng isat isa. Inspirasyon nila ang isat isa. Pero sa bawat relasyon hindi maiiwasan na darating ang panahon na magkakasawaan na sabihin na nating hindi lang sila laan para sa isa't isa. Masakit man sabihin ang katotohanan. Ipilit man nating ibalik ang nakaraan hindi na maibabalik yun. Sabi nga ng isa bang kasabihan " It is true love if you let him free". 


Sabihin na nating makakakilala sila ng mas higit pa sa dati nilang minahal. Pero hindi natin maiiwasan na ikumpara ang bago nating makikilala sa ating dating minahal o sabihin na nating pinipilit tanggalin sa ating puso.. MADALING SABIHIN NA OK NA AKO! NAKAPAGMOVE ON NA AKO..pero sa tuwing makikita mo sya.. HINDI  MO MAIWASANG ISIPIN YUNG MGA PINAGSAMAHAN NIYO WAG NA NATING ISALI ANG MGA MASASAMANG ALALA...

nakakamiss yung mga linya na sinasabi nila kung gaano nila sinusuportahan at gaano nila kamahal ang isat isa. ito ang dalawang linyang hindi ko makakalimutan na sinabi nila sa isa't isa..

1. After 20 years makikilala pa kita..-PNOY
2. Noy, super love kita :)-SS


siguro sa mga panahong ito hindi natin alam kung sila pa din ba hanggang sa huli..maghintay nalang tayu kung kailan dadating ang panahon na matatagpuan nalang nila ang isat isa na nasa harap na ng simbahan naka suot ng puti:)

Alissa:)

Sabado, Hunyo 11, 2011

Simula ng panibagong paglalakbay (journey)






Raymond Lauchengco - Farewell (to You My Friends)



Sa bawat araw na lumilipas parati kong naiisip na paano ang magiging buhay kong wala ang mga bagay o mga taong nakasanayan ko nang kasama, kakulitan, kausap. Naisip ko na makakayanan ko kayang mabuhay nang wala sila? Mamimiss ba nila ako pag di na nila ako na nakakasalamuha? Baka sa pagbalik ko iba na ang pakitungo nila sa akin? Ito ang mga tanong na pumapasok sa isip ko bago ako matulog. Naluluha na alang ako at palagi kong ipinagdarasal sa Diyos na sana makayanan ko to. Naisip ko din na paano kaya ito hindi ko na sha mapapanuod sa will time big time? Hindi ko na makikiti ang mga ngiti niyang nakakapagtanggal ng stress ko, ang malaanghel niyang boses? Baka pag nagkita ulit kami hindi na niya ako makilala? pati ang mga itinuring ko nang kapatid ang mga co-shalanians? Masakit isipin na ang mga haka haka kong ito. Pero sa pagtatapos ng araw nasabi ko sa sarili ko. Para naman to sa future ko, para mas maging matured pa ako.Sabi nga nila sa bawat paglisan parating may kakambal na biyaya. At alam kong ang tunay na magkakaibigan kahit magkalayo man hindi nila makakalimutan ang isa't isa. At sinabi ko nga sa aking blog na "MY INSPIRATION" - i make ate sha as my inspiration and take note not as my obsession" Maaring emosyonal ang aking isinulat. Mahirap para sa akin na iwan kayo pero pwede pa naman tayo magusap. Maraming paraan nandyan ang text. Pero siguro babawasan ko ang pagcocomputer. Hindi lang ako magiging active sa SHALANIANS PHILS. pero hindi ako mag leleave.


I LOVE YOU SHALANIANS
AND
MS. SHALANI SOLEDAD
SARANGHAE!!

Lunes, Hunyo 6, 2011

My Inspiration

 I am not a poetic person but I write my notes what's inside my heart even tough my notes have some wrong grammar. I dedicated this note to my idol Ms. Shalani Soledad and to my co shalanians!! I LOVE YOU ALL!!

 



From the beginning I never knew that the impact of Ms. Shalani's entered in my life was this deep. I don't know why even tough I idolize other artists or politicians it's just that different maybe because I make her as my inspiration and take note not as my OBSESSION. I make her as my inspiration because of what she is. Her values and principles in life. So I admire her so much as a women who has a dignity and a fighter. I said to myself that when I start studying in college I will chose her (shalani) as my inspiration in my studies to strive hard as my mother said after we met her " make her as your inspiration"

May 9, 2011 at valenzuela convention center:))


Thank you so much po sa magazine:) unexpected!!


Group picture!! so humble:))

So after I write this note maybe I will be too busy but I will keep her as my idol and at the same time as " MY INSPIRATION" 

To all who will read this I hope you can appreciate my note. Thank you in advance and Ms. Shalani I hope you will appreciate this:))


Linggo, Abril 17, 2011

MISSING HER SO MUCH

Habang ginagawa ko tong note teary eyed ako super:(

 

 
Jed Madela - Can't Cry Hard Enough


Nang una kitang masilayan sa telebisyon napahanga ako agad sa isang babaeng pambihira ang ganda. pero bago ka pa naging first lady ng primetime hinhangaan na kita bilang isang konsehala at babaeng may paninindigan at determinasyon na makatulong sa kapwa.


Sa araw araw ikaw ay nasisilayan ginagawa kitang inspirasyon sa aking pagaaral. At naging modelo kita bilang matapang na babae. Kaya siguro naging most influential person ka sa google dahil sa iyong katangian. Kaya nung nalaman ko na hihinto ang willing willie for 2 weeks.


Lubusan akong nalungkot. Naisip ko na wala nang nakakatanggal nang lungkot ko. At magpapasaya sa akin araw araw. Pero naniniwala akong WE WIL STAND! sana bumalik na ang willing willie miss ko na talaga si MS. SHALANI SOLEDAD

sana mabasa niya to:(

Biyernes, Abril 15, 2011

Letter for ate sha's birthday!


kahit dito man lang mabasa mo po message ko for you.i want to give it to you in personal!! but i have no chance..


This is for you po!!





Tyler Collins - Thanks To You




Dear Ate Sha,


 Hello po, sumulat po ako bilang isang fan na sobrang idolo kayo.Gusto ko lang pong sabihin na proud po akong maging shalanians dahil po ang aming idolo ay isang katulad niyo na matulungin at tapat sa kapwa. Dahil po sa fan clubs niyo na SHAlanians Phils at Proud to be Shalanians marami po akong naging kaibigan at natuto po akong makipagsocialize. 




Yung mga note po na ginawa ko na sana po ay nabasa niyo sa facebook ay ginawa ko na bukal sa aking kalooban. Kayo po ang aking inspirasyon kapag nakikita ko po kayo sa tv masaya na ako. Sorry rin po kasi minsan nakikipagaway kami paginaaway o may nanlalait sa inyo dahil alam na ayaw mo nun. Ginagawa lang namin yun dahil po ayaw ka naming masaktan dahil po kahit hindi tayo magkadugo tinuturing ka po naming bilang ate. 


Maraming salamat po at sana ma appreciate niyo po itong blog ko tanda lang po ito ng pagmamahal namin sa iyo bilang tagahanga :)

Alissa Teves (lanissa)

Lunes, Abril 11, 2011

FOREVER SHALANIANS


It's my first time to do a blog just for MS. SHALANI SOLEDAD 


I wrote a note for her i wish she likes it :) title  FOREVER SHALANIANS..


Lahat ng bagay kumukupas at lahat ng kasikatan nalalaos pero Ms. Shalani Soledad para sa akin ang iyong kabaitan na pinapamalas sa iyong kapwa at ang iyong kagandahan ay hindi malalaos kailanman sa aming mga SHALANIANS!


Kahit pumuti na ang buhok mo para sa amin walang makakatumbas sa iyong panloob at panlabas na kagandahan. Kaya po ngaung may pagsubok na pinagdadaanan kau ngayun. Pangako naming mga shalanians nandito lang kami para suportahan ka sa lahat nang bumabatikos sa iyo. Sabihin man nila na ordinaryong tao lang kami hindi nila alam ang impluwensiyang naidulot nya sa amin. At kailanman ang impluwensiya na ito ay hindi kukupas hanggang sa aking kahulihulihang hininga..


Sana po magustuhan niyo:)




Alissa Mae F. Teves ( lanissa)