Mymp - Set You Free
Once na nating nakita ang mga may ari ng mga kamay na ito na magkahawak na walang iniisip kundi ang kapakanan ng isat isa. Sabi nga ng isang kasabihan " Nobody can change you except a pure heart". Patunay dito na noong sila pa nabawasan niya ang kanyang masamang bisyo dahil alam nyang may sasama ang loob at nirerespeto nya ito dahil mahal niya ang taong ito.
Sabihin na nating akala natin nung una sila na para sa isat isa dahil natutugunan nila ang kalakasan at kahinaan ng isat isa. Inspirasyon nila ang isat isa. Pero sa bawat relasyon hindi maiiwasan na darating ang panahon na magkakasawaan na sabihin na nating hindi lang sila laan para sa isa't isa. Masakit man sabihin ang katotohanan. Ipilit man nating ibalik ang nakaraan hindi na maibabalik yun. Sabi nga ng isa bang kasabihan " It is true love if you let him free".
Sabihin na nating makakakilala sila ng mas higit pa sa dati nilang minahal. Pero hindi natin maiiwasan na ikumpara ang bago nating makikilala sa ating dating minahal o sabihin na nating pinipilit tanggalin sa ating puso.. MADALING SABIHIN NA OK NA AKO! NAKAPAGMOVE ON NA AKO..pero sa tuwing makikita mo sya.. HINDI MO MAIWASANG ISIPIN YUNG MGA PINAGSAMAHAN NIYO WAG NA NATING ISALI ANG MGA MASASAMANG ALALA...
nakakamiss yung mga linya na sinasabi nila kung gaano nila sinusuportahan at gaano nila kamahal ang isat isa. ito ang dalawang linyang hindi ko makakalimutan na sinabi nila sa isa't isa..
1. After 20 years makikilala pa kita..-PNOY
2. Noy, super love kita :)-SS
siguro sa mga panahong ito hindi natin alam kung sila pa din ba hanggang sa huli..maghintay nalang tayu kung kailan dadating ang panahon na matatagpuan nalang nila ang isat isa na nasa harap na ng simbahan naka suot ng puti:)
Alissa:)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento